Questions? +1 (202) 335-3939 Login
Trusted News Since 1995
A service for global professionals · Sunday, November 3, 2024 · 757,317,083 Articles · 3+ Million Readers

Senate media interview of Senator Win Gatchalian on the apprehension of Sheila Guo and Cassandra Ong

PHILIPPINES, August 24 - Press Release
August 23, 2024

SENATE MEDIA INTERVIEW OF SENATOR WIN GATCHALIAN ON THE APPREHENSION OF SHEILA GUO AND CASSANDRA ONG

Q: Update on Sheila Guo...Is she going to be brought here today or anytime during the long weekend or will the law enforcement agencies keep her then just bring her to a hearing next week?

SEN. WIN: Marami kasing mga agencies and institutions. Kailangan nila gawin muna yung mga procedural mandates nila. So to avoid conflict, the Senate coordinated with the Bureau of Immigration, with the DOJ, as well as the House of Representatives because may outstanding arrest order rin ang House.

So parang hindi naman magkaroon ng tug-of-war doon sa presence ng dalawang individuals. Nagkaroon na ng agreement na ipa-process muna ng Bureau of Immigration. We will give them time to do their mandatory procedures. And then ang DOJ rin because this is in light of the cases that were filed against Alice Guo and the other individuals, including potentially si Cassandra Ong. Then after them, Senate na ang mag-take custody because meron tayong hearing on Tuesday. So on target is Tuesday. These two individuals will attend the hearing. So inaasahan namin over the long weekend, all of these mandatory procedures will be completed by the government agencies.

Q: So it won't be earlier than Tuesday bago sila dalhin dito sa Senate?

SEN. WIN: As far as I know, yes. So inaayos na nila yung kanilang mga kailangan gawin. It's a holiday. So they're trying to...To finish everything hopefully before Tuesday para pagdating ng hearing, the Senate can take custody of the two individuals.

Q: Tapos doon, after the hearing, si Sheila Guo, since she's the one with the warrant from the Senate, dito na siya i-detain?

SEN. WIN: Yes. Dito na siya i-detain. Actually, si Cassandra rin mayroong warrant eh. If you look at the transcript, nag-move ako to cite her in contempt. Because dalawang beses nag-issue ng subpoenana and obviously nagtatago siya so hindi ma-serve-serve yung subpoena. And then, the chairperson, si Sen. Riza, issued a letter, I think about yesterday or I think yesterday morning, to already rule on that citation. So mayroong citation for contempt and then procedurally, dapat ang Senado may custody rin kay Cassandra Ong.

Q: Okay. My second question, sir. Now that Sheila and Cassandra are back, ano sa tingin nyo magiging direction ng hearing next week? Ano personally yung gusto nyo itanong at tingin nyo at malamang itatanong din ang mga kasama nyo sa Tuesday?

SEN. WIN: I won't go into the specifics in the details because I'm reserving my questions for Tuesday. But ang anggulo nito, unang-una, in the case of Bamban, parati kong inuulit na napatayo itong Bamban ng pera na hindi natin alam saan nanggaling. And if you look at the income statements of all the companies, the Guo-related companies, wala naman kita yung Guo-related companies. But si Sheila Guo plays a very important role. I think all of those companies, I think mga five very important companies, treasurer siya or corporate secretary siya. So ang ibig sabihin nito, kung ang Guo companies ay ginamit to fund the Bamban Pogo Hub, ibig sabihin si Sheila has also a role in that funding. So yun ang aking magiging focus. Ano ba ang role ni Sheila Guo pagdating sa funding nung Bamban Pogo Hub? Dahil if you look at yung Baofu Land, Hong Sheng, Zun Yuan, wala doon si Sheila eh. Pero then again, saan nang galing yung funding nung Pogo Hub na yun? And yun ang magiging focus ko. What role did Sheila play in terms of the funding requirements of the Bamban Pogo Hub? So far, Cassandra is straightforward. Corporate secretary siya ng Whirlwind Corporation. Whirlwind Corporation is the landowner in which Lucky South 99 is built on. Lucky South 99 is the operator, the licensee of that Pogo Hub which was raided because it was discovered that scamming, human trafficking, torture were all happening in that Pogo Hub. Cassandra Ong, as we all know, is the representative of Lucky South 99. In fact, she went to Pagcor to represent herself as the representative of Lucky South 99. So straightforward yung role na yun. But may bagong dimension. Dati kasi may anggulo kung related itong dalawang Pogo Hub. Ngayon, established na related na. By the virtue of Cassandra Ong and Sheila Guo traveling together, yan, nakita natin na si Cassandra Ong malapit na malapit sa Guo family. Hindi lang kay Alice Guo, kundi sa buong family. Dahil from Jakarta, Malaysia, Malaysia, Singapore, Singapore to Indonesia, magkakasama sila all the way. So malapit na malapit si Cassandra Ong sa Guo family. That makes this two Pogo Hub related.

Q: My last question po, before I turn over to our colleagues... Where do you think is Alice Guo now? And how close do you think are we to getting her back?

SEN. WIN: It's a mater of time. It's a matter of time that Guo Hua Ping will be apprehended. And will be returned back to the Philippines. She is definitly in Bantam, Indonesia. That's her last known position. But because of the swift action of the Indonesian government, and I'm very sure that the Indonesian government now is alerted and all of its enforcement instrumentalities are alerted, it will be very difficult for Alice Guo to move around Indonesia.

So I thank the Indonesian government for their swift action. Napakabilis. And we can all see that their entire government enforcement agencies were really put into play or moving to apprehend the Guo family. So it's really a matter of time that si Guo Huaping will return back to the Philippines to face charges and to answer for her criminal activities.

Q: Hi, sir. Good morning. Sir, were you able to independently confirm if Sheila Guo indeed had a Chinese passport when she was apprehended?

SEN. WIN: Personally, hindi ko na siya na-confirm. That was only a theory in the past when I mentioned that because we were looking at the documents that she is still holding. And walang traces kasi na-cancel yung kanyang Chinese passport. And the Chinese embassy never got back to us. So hindi natin alam with certainty kung buhay siya. But nevertheless, assuming buhay siya, it will be very difficult for her to use her Chinese passport for a very long time.

Because as we all know, if you hold a Chinese passport, you will need a visa to travel to any of the ASEAN countries. Very strict na ngayon ang ASEAN in terms of getting visas for Chinese passports. Kung hindi ganun na katagal yung binibigay nilang visa. So it will be very difficult for her to use her Chinese passport to move around. As opposed to her Filipino passport. Kasi in ASEAN, Filipino passport is visa-free. Pwede tayong umikot doon sa 10 ASEAN countries. Stay longer and without any parang walang borders. We can just go to any of the ASEAN countries without any visa. So since may cancellation na nung kanyang Filipino passport, mahirapan na siyang gumalaw sa ASEAN.

Q: Sen, do you think we will be having this conversation or makikita ba natin yung nangyari kahapon kung hindi nag-raise sa floor si Sen Risa regarding the development on this case? Kasi it appears na may mga information. Supposedly na yung ibang pertinent government agencies pero parang hindi sinishare sa ibang ahensya ng gobyerno.

SEN. WIN: Oo, tama yun. I thank Sen Risa for bringing this out into the open and using the floor to inform the public. Kasi kung titignan mo yung timeline, as early as July 18, wala na siya dito sa Pilipinas. Pero nalaman natin around August 18, around thereabouts. So isang buwan bago natin nalaman. Narinig ko sa mga ibang ahensya na maaga nilang alam. Narinig ko sa ibang mga spokesperson ng different agencies marami, alam na nila earlier on, binavalidate lang. Pero dapat na-inform rin yung public dahil ang public ang kakampi mo dito. In fact, yung mga pictures na iba, I understand, galing rin sa publiko. May mga nakakuha ng pictures. Guo Hua Ping. At pinadala sa mga enforcement agencies natin. So, in other words, even us, hindi kami binigyan ng briefing. Kung in confidence yan, sana hinumingi ng executive session. At brinief muna tayo kung naka-alis na o ano. Ngayon, nagiging suspicious tuloy ako. Personally, dahil bakit tinago pa sa amin. At tinago sa publiko. So, parang gusto itago yung naging problema na nakalusot yung tao, si Go Hua Ping. At parang gusto ipagtakpan yung nakalusot si Go Hua Ping sa mga enforcement agencies natin. Kaya hindi maganda na itago pa ito for almost one month. Bago namin tuklasan.

Q: And equally important, sir, how critical was the president's action and public pronouncements regarding this incident?

SEN. WIN: Very critical. After the strong pronouncement of our president, next day, nahuli na ng Indonesia, Indonesian government. So, very critical yan. Yung kanyang very strong statement most likely triggered the enforcement agencies to reach out to our Indonesian counterparts and the Indonesian counterparts in turn mobilized their personnel in Bantam, Indonesia. So, napakalaking bagay yung naging boses ng ating Pangulo. Obviously, hindi siya natuwa sa nangyari. Nakalusot. At hanggang ngayon nga, mystery pa kung paano nakalabas si Guo Hua Ping. Hindi natin alam kung nang barko, nag-eroplano, nag-commercial flight. That alone is a big blunder on the part of the enforcement agencies. Paano siya nakalabas nang walang nakakalam? So, for almost a month and a half, inaalerto ng Senado itong mga enforcement agencies. Ang isa pang question dito, ano nangyari sa intelligence fund nila? Billion-billion yung intelligence fund ang mga enforcement agencies. May mga assets sila around. Bakit nakalusot? Isang... Alice Guo sa kanilang pagmamonitor.

Q: And Sen, what do you make of those individuals, including Alice Guo's lawyers, who are insisting that she's still here in the country? Lalo na yung isang notary.

SEN. WIN: Oo, yan sa akin, malaking question mark para sa akin si Atty. Galicia.

Kasi ini-insist siya, nakita niya. Ini-insist niya, physically nakita niya. Yung itsura at pagmamukha naman ni Guo Hua Ping a.k.a. Alice Guo, nasa TV almost everyday. Pagbukas mo yung TikTok, Facebook, pagmumukha niya, nandoon.

So, I'm very sure, alam niya yung itsura ni Guo Hua Ping. Kung totoo yung sinasabi niya, then talagang nakita niya si Guo Hua Ping nung the night of August 14. Pero well-established na ngayon, wala dito talaga si Guo Hua Ping. Nasa Indonesia siya. So, dapat sagutin niya yung katanungan kung bakit niya sinabi na nakita niya si Guo Hua Ping. Eh, wala naman dito si Guo Hua Ping.

Malaking posibilidad na nagsisinungaling rin siya.

Q: Then, last na lang po. Do you believe that dapat by now our authorities have already established kung paano nga nakalabas si Alice Guo and yung pamilya niya?

SEN. WIN: Dapat, no? Dapat. Well, andiyan na ngayon si Alice. Andiyan na ngayon si Sheila Guo, si Cassandra. I am very sure, dapat iniimbestigahan na nila kung ano ba ang nangyari. Meron na silang information dyan. But nevertheless, itong mga enforcement agencies, lalo na ang Bureau of Immigration, may mga intelligence yan eh. Paano ba nakakalabas ang mga tao? Paano nakakapasok yung mga tao? So, alam na dapat nila yung mga channels, mga pa simpleng channels. At may assets sila dapat. Doon sa mga simpleng channels na yun. So, nakakadismaya dahil nga hanggang ngayon na nahuli na yung dalawa. Hindi pa natin alam kung paano nakalabas si Guo Huaping. Wala pang nakakapagsabi with certainty kung paano siya nakalabas.

At yun rin, it's not sending us strong confidence. Dahil marami rin mga taong may warrant of arrest na hindi na rin mahanap. Si Pastor Quiboloy.

Si Arnie Teves. At marami pa na hindi naman high profile. So, yung punto ko dito, kahit na may warrant of arrest i-issue sa'yo, pwede palang makawala at makatakas ng hindi alam ng gobyerno.

Q: May Bantag pa, Sir.

SEN. WIN: May Bantag pa pala. May isa pa, baka wala na rin siya dito. So, it doesn't send a strong confidence about our enforcement agencies. And that's one aspect rin itatanong. Ano nangyari sa intelligence fund natin? Every year, yan ang may intelligence fund hinihingi mga enforcement agencies natin. At bilyones na yung mga intelligence fund nila. Hindi inaudit to because of the nature of intelligence fund. Pero hindi rin makita kung paano ginagamit at bakit hanggang ngayon hindi pa rin mahanap itong mga taong to.

Q: Sir, good afternoon. Good morning. Sir, tanong ko lang. Bali, so, parang initial point ng hearing sa Tuesday is more about paano sila nakalabas. Yung tanong natin dun sa dalawang nahuli.

SEN. WIN: Yeah, I think yun ang importante ma-establish rin dahil nga konektado rin yan sa enforcement agencies natin. Kung meron bang tumulong sa kanilang mga kawani ng gobyerno na corrupt. Kaya sila nakatakas. O meron mga sindikatong nag-ooperate ng ganitong pagtakas na mga merong warrant of arrest at may mga kaso. Dapat tignan rin yung anggulo na yun dahil baka meron mga sindikato na ang kanyang negosyo, kung meron kang kaso, itatakas ka nila sa ibang lugar. So, mahalaga rin para sa akin na malaman natin kung ano yung naging paraan ng pagtakas ni Guo Hua Ping

Q: Sir, unlikely magsasabi sila ng totoo. Pero hanggang kailan sila makukulong sa Senate?

SEN. WIN: Well, hanggat magsasabi sila ng totoo, dahil importante yan at kasama yan sa aming legislative inquiry. At ang payo ko sa kanila eh, itong kwento nila patapos na ito eh. At it's really a matter of time. Makakasuhan sila. At mahuhuli si Guo Hua Ping. Kaya pointless na na magtago-tago pa dahil makikita natin buong sangay ng gobyerno, hinahabol sila. So, mas maganda pang mag-cooperate at sabihin na lang kung ano yung nalalaman nila.

Q: Sir, yung kay Atty. Galicia, hindi kaya defense na lang nya yun na nakita niya? Kasi diba under the law, hindi ka po pwedeng mag-nonotarize without the personal appearance nung nagpapanotaryo. Do you think yun yung kanyang defense na lang para hindi siya maging subject na ma-disbar or any...other legal actions?

SEN. WIN: Possible yan. Possible na ginawa nilang niyang kwento yan. At sabi ko nga, si Alice Guo eh, for the last three months, siguro pinakasikat na tao sa buong Pilipinas eh. Ultimo mga bata, kilala siya eh. So, pag ganyan na high profile case, dapat mag-doble ingat ka kung pupunta sa iyo at magpapanotaryo. Tingnan natin yung magiging sagot niya pagdating ng hearing. Nag-confirm siya na pupunta eh. Nakakuha ko lang yung...

Q: Sir, as early as now ba dapat may nire-relieve, although sinabi na ng presidente na heads will roll, as early as now ba dapat may nire-relieve na nakikita tayo ang executive sa BI, sa CAAP, and other ano po?

SEN. WIN: Well, first, ma-establish dapat,, kung paano ba nakatakas si Guo Hua Ping. If it's through the formal channels, mayroon nagpupuslit. Kasi minsan nakikita ko may mga nagpapa-VIP na hindi na dumadaan sa immigration, hindi na dumadaan sa x-ray check-in, mayroon silang sariling parang VIP section. Kung ganun ang nangyari, then dapat managot ang Bureau of Immigration at Airport Management. Like I said, hindi naman si Alice Guo kilala na ng buong bayan. Araw-araw siya nasa balita at alam naman kung ano yung ginawa niya. Kaya kung may nagpuslit, dapat managot yan. Kung gumamit naman siya ng chartered plane, dapat mag-file ka ng flight clearance. So, kung nag-file ito ng flight clearance, kailan at sino ang nag-file? So, yun ang dapat tignan rin. At yun ang request ko nga sa CAAP para nabigyan kami ng information na lahat ng mga eroplano, yung flight clearance. From Manila to Indonesia, Manila to Malaysia, ibigay sa amin.

Q: So, sir, hindi pa last yung hearing sa Tuesday? Kasi parang the plot gets thicker and thicker po eh.

SEN. WIN: I think ang plot na lang dito dapat matakpan yung role ng, Well, dalawa na lang. First, kung meron ba nga naging kakuntsaba si Guo Huaping sa gobyerno, kaya siya nakatakas, dapat ma-analyze mabuti yan. Kaya nga dito sa darating na hearing, sinama yung Committee on Public Services para may transportation angle. And then, of course, yung mga sindikato nakasama dito, yung specific names ng mga sindikato, kung sino yung mga sindikato nakasama dito sa dalawang Pogo Hub na dapat kasuhan. At nasaan sila, obviously. Kasi kung nasa abroad sila, dapat ma-extradite sila dito para haharapin yung mga kaso.

Q: Sir, do you think Alice Guo is the highest in all of this web of criminal activities?

SEN. WIN: One of the highest, for sure. Dahil kung hindi mangyari itong Pogo Hub sa Bamban, kung hindi dahil sa kanya eh. Siya talagang nabukas ng pinto, siya nag-aayos ng dokumento, nakita niyo naman yan. At siya rin ang nakinabang dito, doon sa perang pumapasok, kaya definitely one of the highest siya.

Q: So, sir, going lang dun sa budget cut, possible budget cut ng PNP. So, definitely the PNP, the NBI, and other law enforcers have a lot of explaining to do because of their failure to arrest the Guo's.

SEN. WIN: I wouldn't say budget cut first. Ang focus dito will be the intelligence fund. So, ano nangyari sa intelligence? Intelligence fund nila. All of these enforcement agencies, Bureau of Immigration, even of course the PNP, merong mga intelligence fund yan eh. Ba't saan nila nag-a... bakit hindi nila nagamit itong intelligence fund sa pagkuha ng impormasyon kung nasaan si Guo Hua Ping At nakatakas pa. So, yun yung aming... ako personally, yun ang aking titignan.

Q: You mentioned sa statement mo kahapon, parang anytime susunod na si Guo kasi magandang development yung coordination ng ating sa regional natin, no? Nag-respond agad yung Indonesia dun sa ating... ano sa kanila.

SEN. WIN: Ako very confident ako dyan dahil akala kasi nila na makakatakas sila at tingin ko ang kanilang pagtataguan dito sa Bantam, Indonesia. Pero nga dahil nga nahuli na yung dalawa, I'm very sure na mahirap silang umikot dyan sa Bantam, Indonesia. At one point, mahuhuli rin siya or magsusurrender yan sa hirap ng pag-ikot nila. So, it's really a matter of time. At sabi ko nga, temporary setback to, pero eventually mahuhuli rin natin siya. And she should face the cases filed against her here in the Philippines.

Q: Sir, last reaction, last question na. Nung nalaman mo ba from social media or were you informed by our authorities from the NBI and other na nag-implement yung arrest?

SEN. WIN: May mga ano rin. May mga nag-inform sa akin na mayroon ng ganitong development. And of course, they asked for confidentiality for now kasi nga ongoing yung investigation. So, marami dito kasi pag nagbibigay sila ng information, they're also at the same time validating doon sa information. So, hinayaan ko na lang na sila na magsabi sa media para validated na.

Q: Sen, good morning. Good morning. Sir, konting lihis lang po. Kahapon may niraid na ilgal pogo hub na naman sa Paranaque City. And sabi ni NCRPO Director General Nartates, may application daw po to be an IGL yung Pagcor, yung niraid. Meron na po bang pinaliwanag ang Pagcor na safety nets or vetting process para po sa application to be an IGL. Kasi parang iligal po talaga yung kahapon.

SEN. WIN: Bawal na bawal na mag-apruba ang pagcor ng mga IGL licenses. Bawal na rin silang tumanggap ng application. Dahil sa statement ng ating Pangulo, bawal na rin silang tumanggap. Bawal na rin silang pag-aprove. Itong mga natitira ay pinapawind down na lang yung kanilang operations. Yan rin yung statement ni Chairman Al Tenco during the hearing. Pinapawind down na lang itong mga natitira until end of the year. So yung kahapon, at narinig ko tatlong iligal na POGO ang na-raid nila. At yung kahapon, allegedly, merong... application. Pero sa pagkaalam ko, hindi rin natanggap o hindi tinanggap o hindi natanggap ng PAGCOR. So, at inaasahan ko na marami pang ganitong mga splinter groups. Dahil nga hindi na mag-i-issue ng license at nag-uumpisa na rin mag-wind down yung iba. Yung iba, uuwi. Yung iba, pupunta sa ibang mga lugar. Kaya may mga nakita nga ako. May nakita nga ako, may dalawang nahuling Nigerian. Dalawa lang sila. Pero ganyan rin yung activity na scamming. Meron rin na... At nakakalungkot, may mga kababayan tayo na nabulag na sa pera at nagtrabaho na dito sa scamming hub.

Itong dalawang na-raid, may mga kababayan tayo, mga Filipino na nagtatrabaho doon. At nakakalungkot. Pero kahit ng mga kababayan natin yan, kung ginagawa nila, hindi maganda.

Q: Yun nga sir, kasi yung mga more than 300 yung Pilipino na nandun, sabi nyo nga po, pwede po ba mag-ano na rin tayo ng legal action dito sa mga Pilipino na palagi na lang "nare-rescue" dito sa mga illegal Pogo Hub po?

SEN. WIN: Ito talagang ano na ito. Wala na silang dahilan na sabihin biktima sila dahil illegal na talaga ito. Unlike nung una, may lisensya, nabibiktima sila. At yung kanilang palusot, biktima rin sila. Nasabi ko lang nung una kasi ang palusot nila, biktima sila. Pero ngayon wala na ang palusot. Kasi from the start, alam nila illegal ito. At sumali sila dito sa illegal activities. So kaya itong mga Pilipinong nahuli, itong mga kababayan natin, talagang sinadya na nila magtrabaho dito sa mga scam hubs. At hindi na dapat pagbigyan ito.

Q: Sir, clarify ko lang po yung source po ninyo na nasa Bantam, Indonesia pa po si Alice Guo? Is your office also coordinating with Indonesian authorities? And do you have any other information kung saan siya huling nakita? For example, sa mall din ba together with Sheila Guo and Cassandra Ong?

SEN. WIN: Hindi, diretso sa Indonesian authorities. Just with our own enforcement agencies. Humingi ako ng update kung nasaan na siya. At base sa mga intelligence information nila at coordination with other agencies, international agencies, yan yung last information na nakuha ko.

Q: Opo. And sir, are you ruling out the possibility na pwedeng nakalusot na rin o nakapuslit na rin siya palabas ng Indonesia? Or at this point, anything's possible po?

SEN. WIN: Ako, I cannot say this with certainty, pero base sa mga news reports, as well as dun sa mga information na nakukuha natin. Parang ang intention talaga nila is to stay there in Bantam, Indonesia. Pero na-foiled nahinto dahil nga nahuli yung dalawa. So, ang tingin ko, nandun pa rin sila at mahirapan silang umalis at gumalaw dahil alerted na yung Indonesian authorities.

So, since ngayon, alerted na yung Indonesian authorities, mahirapan na silang gumalaw. So, kahit na assuming may balak pa silang umalis ng Indonesia, pupunta sa iba, mahirapan sila dahil nga alerto na yung Indonesian authorities. Kasama na dyan ang Indonesian police.

Q: Yes, and last question po, sir. Dapat din ba investigahan yung nabanggit po ninyo na parang may attempt to conceal yung information about yung updates po sa paghanap kay Alice Guo, yung pagtakpan yung pagpupuslit sa kanya?

And ano po yung pananagutan ng authorities kung talagang tinago nila yung ganong impormasyon?

SEN. WIN: Titignan ko rin yung anggulo na yan. Dahil nga, almost one month. Ito yung... Parang nakakapagtaka na one month na hindi mo alam, nakaalis na pala yung tao. At kung hindi pa nabunyag nii Senator Risa sa plenary, hindi pa malalaman ng buong bansa. At wala naman kaming nakuhang request for executive session, wala naman kaming nakuhang request for a dialogue.

But may information rin. May nagsabi rin sa akin na alam na ito ng BI. Almost two weeks before itong August 18 na revelation. So, kaya magtataka ka bakit inantay pa ng two weeks. At I don't think it will take two weeks to validate. Importante, mabilis yung action. So, titignan ko rin yung anggulo na yan. Bakit itinago yung information sa amin, sa Senate, considering that we have a pending investigation. At bakit itinago yung information na yan sa publiko? At sa tingin ko, tinago rin yan sa ating Pangulo. Even ang President, hindi niya alam na umalis na pala si Alice Guo. Nalaman niya rin sa media. Nalaman niya rin nung lumabas na ito sa media dahil nagalit siya. If you see his reaction, talagang disappointed siya. So, even the President was kept in the dark with that information. Sa alam ko, sabi sa akin, two weeks ago, alam na na yan.

Q: So, sino yung dapat managot dun, sir? Sino yung dapat sumagot talaga?

SEN. WIN: I think, sa aking information, based on my information, alam na ito ng Bureau of Immigration two weeks prior. So, dapat ang Bureau of Immigration ang magbigay ng paliwanag kung bakit hindi nila sinabi sa amin. Bakit hindi rin sinabi sa Pangulo. So, parang nakakahiya ito para sa ating Pangulo dahil siya mismo hindi na-brief eh na umalis na pala si Alice Guo.

Q: Sen tanong ko lang po kasi kanina this morning po, nagkaroon po ako ng field. And natanong ko po itong mga ilang public. And sabi nga nila, wini-welcome nga po nila itong pagkahuli sa dalawa. And yung iba optimistic na mahuhuli na talaga itong si Alice Guo. Katulad po na sinasabi nyo na mga malapit-lapit na oras na lang ang binibilang, parang ganyan. Pero may ilan po kasi na worried pa rin na baka daw mamaya eh hindi daw po mahuli. Katulad na lang itong nangyari kay Quiboloy, ito po yung isa sa mga nabanggit nila. Eh kayo, Sen, ano po yung assurance na mabibigay nyo po sa public na makukuha po natin o mahuhuli natin si Alice Guo?

SEN. WIN: Of course, hindi ko ma-assure yan with certainty. Dahil unang-una, nagre-rely lang tayo sa Indonesia's enforcement agencies. Nagre-rely lang tayo sa kanilang pagtulong sa atin. So hindi ko rin masasabi yan with certainty. But based on logic, based on the actions, tingin ko oras o araw na lang ang binibilang kay Guo Hua Ping at mahuhuli at mahuhuli siya. At importante lang ngayon sa atin ngayon ay yung mga kaso umuusad. Isang dahilan rin kung bakit siya nakaalis dahil walang hold departure order kung dumaan siya sa regular airports natin. So dahil walang hold departure order, baka nakatakas lang siya sa regular airports natin. So importante na yung mga kaso ay mabilis rin umuusad. Kasi ginagamit niya itong delay ng pagpafile ng kaso o delay ng walang court action. O yung delay na wala pang hold departure order galing sa korte. Yan ang nagiging butas at nakakagalaw siya.

Q: Ito naman po kanina nabanggit niyo po kasi about dito sa pag-alam nga po paano yung naging point of exit niya dito. And sinabi niyo is aalamin kung sino po yung tumulong o sino po yung kuntsaba ni Guo. What if hindi po pala katulad ng sinabi niyo kanina, sindikato po pala pero sa ibang bansa. Ano po yung possible na gawin natin or ano yung magiging process po kung for example itong sindikato, nag-stay naman sila dito sa lugar nila pero siyempre tinutulungan pa rin nila si Alice. So paano po yung magiging pagpapanagot sa kanila?

SEN. WIN: May mga balita kasi ako, may mga sindikato na nagamit ang backdoor for human trafficking. O may mga sindikato na kabisado itong backdoor, yung papuntang Sabah, Malaysia. So alam ko na may mga ganyan tao na nababayaran mo, kaya kanila ipuslit. So dapat malaman din natin ito at mabuwag rin itong mga ito. If you look at the macro point of view, baka pinupuslit nila yung ibang mga kababayan natin. Kaya meron tayong mga kababayan na human traffick sa ibang lugar So dapat tignan rin yung anggulo na yun.

Q: Tanong ko lang po sana, given itong mga po na huli na yung dalawa, ano po yung message nyo ngayon kay Guo Hua Ping o kay Alice Guo?

SEN. WIN: Mag-surrender na siya. Again, it's a matter of time. magiging mahirap sa kanya na gumalaw. At habang nagtatago siya, yung kaso niya ay umuusad. Yung kaso niya ay lumalala. At mag-surrender na siya dahil hindi tatagal siyang ganito yung buhay niya na nagtatago. Again, it's a matter of time na mahuhuli at mahuhuli rin siya.

Q: We're all saying po na they're all Chinese citizens. So ano po ang magiging legal recommendation after all this hearing? Papano po natin sila papanagutin dito? Will they be jailed or idedeport po ba natin sila? Ano po ang magiging legal recommendation ng committee natin tungkol dito?

SEN. WIN: Dahil yung krimen nangyari dito sa Pilipinas, sa bansa natin, dito sila dapat managot. Dito sila dapat makulong. Hindi sapat yung ide-deport natin sila lang. Importante na sagutin niya yung human trafficking case, tax evasion case. Ngayon yung Senado magpa-file ng perjury at disobedience case.

Dapat sagutin niya rin yung case na finile ng Comelec. Pati yung quo-warranto case na finile ng Solgen. So yung mga yan, dito niya sasagutin sa Pilipinas.

Q: Sir, may nabanggit kasi kayo na sa isang news conference natin. May mga matataas na opisyal na lumalabas na involved or protector ng Pogo. Lumalabas ba, sir, na isa si Secretary Roque?

SEN. WIN: Hindi ko muna sasabihin. I think we'll let the... I don't want to preempt yung hearing. Hayaan natin itong mga resource persons. Si Sheila Guo, si Cassandra na magsalita. Huwag natin i-preempt muna ngayon. Dahil imbitahan natin sila. At mas maganda manggaling sa kanila. Dahil direct ang nakakadeal nila si Harry Roque. In the case of Cassandra, inamin naman nila na magkakilala sila. At si Harry Roque yung counsel. At hayaan natin si Cassandra magsabi kung ano yung kanyang nalalaman. At ano yung extent ng relationship niya with Harry Roque.

Q: Okay, sir. Pero, sir, meron pang mga hindi nababanggit na mga powerful and influential people, sir, na involved dito?

SEN. WIN: Base sa intelligence na nakuha namin during the executive session, may mga personalities, for sure. Hindi ko rin mababanggit ngayon dahil executive session yun. Pero maganda yung dalawa na. At si Guo Hua Ping na rin. Pagdating niya, magbanggit nitong mga taong to. Kung sino yung tumulong sa kanya mag-setup nitong Pogo hub sa Banban at sa Porac. Sino yung mga taong naglakad ng papeles nila, tumulong ng papeles nila. Paano nakapasok yung libo-libong mga dayuhan na nagtrabaho sa scam? Sino ba yung kausap nila sa mga agencies natin? So, ito yung isang dahilan kung bakit natin gustong... makausap sila through the hearing para sila na mismo magsasabi ng katotohanan.

Q: And then, sir, dun sa sinasabi ni Presidente na heads will roll, ano yung agencies na nakikita nyo na dapat may mga ulong-gumulong?

SEN. WIN: Well, initially, yung Bureau of Immigration. Kung talagang napatunayan na dumaan siya sa formal channels sa airport natin, kahit na nag-charter plane, dahil yung charter plane, kailangan pa rin i-stamp yung passport. Then, yan ay isang kakulangan ng Bureau of Immigration. Titignan rin natin yung mga ibang ahensya natin, tulad ng CAAP at yung mga airport authorities natin. Kasi kung dumaan siya ng airport, bakit hanggang ngayon wala pang CCTV? Dapat hinahanap na nila yan. So, ito yung mga ahensya. Pero kailangan imbestigahan rin kung paano talaga nangyari. Dahil hindi ako naniniwala na bigla na lang silang mawawala ng ganun at nasa Malaysia na eh. Ako, naniniwala ako na may tumulong sa kanyang kawani ng gobyerno para makatakas siya.

Q: Sir, dun sa... Sabi nyo nga, aalamin bakit may concealment. Mukhang may concealment ang information na nakaalis na siya. Kasi, nag-speech si Sen. Risa Hontiveros Monday. Kinabukasan umaga, sir, na interview ang immigration., ang sabi ng immigration. Alam na nilang nakaalis. Last week pa, yun ang pagkakasabi, sir, nung immigration spokesperson. Di ba bakit gano'n? Alam na pala nila, hindi kayo ni-inform. And then, only after na mag-uto si presidente na hanapin o a heads will roll, tsaka lang may nahuli. So, klaro, sir, ang concealment na sa immigration.

SEN. WIN: Correct. Correct. Claro talaga. Base nga sa akin, ang sabi sa akin, parang two weeks ahead, alam na nila na mayroong ganitong problema eh. Pero even... Even kay Presidente, tinago nila eh. At based sa parang narinig ko sa privileged speech ni Sen. Risa na NBI pa ang nagsabi sa kanya. So, bakit yung information galing sa Bureau of Immigration? So, bakit hindi sinabi?

Kahit na hindi pa validated yung information, bakit hindi sinabi sa Senado? Considering na meron tayong pending investigation. Kahit na sabihin nila na executive session, bakit hindi sinabi? Baka ayaw nila ipaalam na nakalusot sa kanila o nag-hope sila na maaresto nila bago nila ipaalam. I don't know.

Q: Sir, kasi kahit si Commissioner Tansingco, after nung revelation ni Sen. Risa, biglang may inalabas ng mga information na may sightings sa ganito, ganyang lugar. So, apparently, alam nga nila.

SEN. WIN: Yes, yes. Actually, mayroon ako mga kausap. Sa immigration, sinabi nga sa akin na matagal na nilang alam ito. Kaya, ang tanong, bakit hindi sinabi officially? At arang naging defensive tuloy sila eh. Na nagba-validate, etc.

Pero ang punto dito, matagal nilang alam, bakit hindi nyo sinasabi sa Senado?

Q: Sir, singit ko lang sir, para lang dumiretso. Sir, should this warrant the resignation of the Commissioner of BI and the other type of officials ng Immigration Bureau?

SEN. WIN: Let's wait for the hearing. I don't want to preempt the hearing also. But we'll give them a chance to answer. Papakinggan natin sila kung ano ba yung kanilang magiging sagot.

Q: And if government official had indeed helped Alice Guo and her family,

ganun lang ba yun sir? Matutulungan lang sila? O? Obviously, may pera.

SEN. WIN: Obviously, may pera yan. May racket talaga yan. Obviously, hindi naman isolated case ito. Marami na rin issue ng mga lagayan sa Bureau of Immigration, sa ibang enforcement agencies. Marami na rin ganyan. Umpisa pa lang, alam natin na may mga pumapasok dito na illegal at inalagaan nila.

Meron rin yung pagbibigay ng mga working visa. Balita ko rin, may mga naglalakad. So, hindi naman isolated case ito. Nangyayari na rin ito sa mga huling pagkakataon. But ito kasi ay sampal sa mukha natin dahil high profile case, alam ng buong mundo, at nakalusot sa ating enforcement agencies.

Q: Slap on the face of the government. The entire government.

SEN. WIN: The entire government. Dahil nga, biro nyo antagal na nilang alam ito pero hindi nila sinasabi sa atin. At nung nalaman natin, nasa Indonesia na siya. Ilang biyahe na siya bago natin nalaman. Buti nilang mabilis ang aksyon ng Indonesian government.

Q: Mas better ba na inaamin na nila nung alam nila? Kesa natago pa, parang nag-double problem pa sila instead of...

SEN. WIN: Ang maganda dyan kahit hindi nila sigurado pero matibay ang infromation, dapat humingi na sila ng executive session and sabihin na lang nila we are still validating pero itong source A1 intelligence ito para at least on teh onset alam na natin na may ganitong pangyayari. Instead na tinago, based on my information, tinago at huli na sinabi. At naging defensive na sila. Hindi, bina-validate pa namin. Pero alam na namin dati. Parang afterthought na lang yung nangyari sa kanila. So, even the president. Kaya si president ay nagalit. Kaya parang nabulaga siya. Parang, oh, nawala na pala dito. Kaya heads will roll. Kung alam niyan man matagal na yan, then I don't think ganyan na magiging reaction niya. So, kung alam niyan matagal yan, di siya na nag-announce. At sinabi niya na na we're informing the Indonesian government to help us. E di nakasave pa tayo ng two weeks at nakabalik na siya. Di nahuli na yung dalawa two weeks ago.

Q: Sir, doon lang, two questions lang po. Yun, una po yung kay Atty. Galicia. Ano magiging recommendation ninyo? Doon sa committee report. Kasi parang at this point in time, even without listening doon sa paliwanag niya, parang at fault talaga siya. Kasi number one, kung talaga bang nakita niya. Pero kung talaga namang nakita niya sa date na yun, sir, di ba may loophole? Because yung date na nakita niya na nagpa-affidavit sa kanya, ay may warrant na si Alice Guo.

So, dapat hindi ba itinawag niya sa authority, itinawag niya sa police, na nandun yung presence nitong dati. I think may yun.

SEN. WIN: Tama ka doon. Actually, yun, pumasok rin yan sa isip ko. Alam mo na may warrant, eh. Narinig ko kasi sa interview niya, parang hindi raw siya nakikinig ng balita dahil na-i-stress siya. Parang ano naman yun, parang may tao bang hindi nakikinig ng balita. Anyways, tama ka doon. As a good citizen, dapat in-inform mo ang authorities na, oh, nandito si Alice Guo, pumunta. Or, nung sinabi sa kanya, may tumawag yata sa kanya na may pupunta doon at magpapanotarize. Kung nasabi man si Alice Guo yun, dapat in-inform mo na yung police para ma-entrap. Diba? Nakatulong pa siya sa otoridad. So, kaya, pero definitely, wala dito si Alice Guo. Kaya, ang possibility lang dyan, nagsisinungaling siya. Dahil wala naman talaga physically dito si Alice Guo. So, kaya nga maraming katanungan kaming itatanong sa kanya dahil wala dito physically yung tao. At sinasabi mo, nandito yung physically yung tao. So, anong nangyari?

Q: Sen, ito po from immigration. Ang sabi po ng immigration just now, nag-file na sila ng deportation case laban kay Sheila Guo dahil nalaman nila na may valid siya na passport, Chinese passpor hanggang 2031. And then, sabi po ng spokesperson ng immigration, illegal na lumabas sa bansa si Sheila Guo at pumasok sa Sabah, Malaysia. Your reaction?

SEN. WIN: Yan yung theory ko nga, na buhay pa yung mga Chinese passports nila. Ako, ang hinala ko si Guo Hua Ping, buhay pa rin yung Chinese passport niya. So, si Wesley Guo, buhay pa rin yung kanyang Chinese passport. So, yan yung hinala ko na dalawa yung kanilang passport. Isang Filipino na illegally obtained. At isang Chinese na, yun talaga yung totoong passport niya. At ang hinala ko dyan, yung passport na hawak ni Sheila Guo na buhay pa, dito rin renew yan sa Chinese embassy. Dahil nakikita namin in the past, nag-re-renew sila dito sa Chinese embassy. So, hindi muna nila pwedeng i-deport dahil mayroon kaming arrest order. Dapat pumunta muna sa Senado si Sheila at sagutin yung kanyang mga dapat sagutin. So, ang position ko, hindi pa nila pwedeng i-deport yan hanggat mayroon kaming outstanding arrest order. Kaya, importante, nagko-coordinate itong mga agencies. Baka biglang i-deport nila siya, eh mayroon kaming outstanding arrest order. Hindi namin magagawa yung trabaho namin.

Q: Sir, last na lang, pahabol din ni Ate Cecil. Bakit po sa tingin nyo yung presidente natin was kept in the dark doon sa Guo Escape?

SEN. WIN: Yun ang question. Kasi if you see his reaction, parang galit eh. Di ba? Parang surprise rin siya. Parang kami, lahat. Nasurprise rin kami. Pero siya yung head ng agency under sa kanyang Bureau of Immigration. Bakit tinago rin sa kanya ng Bureau of Immigration? Yan ang dapat maimbestigahan. Bakit even the president, hindi man lang binulong na President nakatakas si Alice Guo pero walang ganun eh. Kaya sinabi niya heads will roll. At pag sinabi mo yun, ibig sabihin from top to bottom, iimbestigahan. And even si Secretary Remulla, na siya ang head ng agency of Bureau of Immigration, kasi under ng DOJ yan, parang nagulat rin eh. Based on the news reports na nakita ko, sabi niya rin na dapat may managot. So, yung dalawang mataas na opisyales, Secretary Remulla and the president, were both kept in the dark.

Q: Sir sabi nyo, i-bring up ninyo ito kapag pinag-usapan yung intelligence funds nila. Bukod po sa Bureau of Immigration, ano-anong law enforcement agencies yung tinutukoy ninyo?

SEN. WIN: PNP, NBI, primarily ito, Bureau of Immigration, of course. We're also looking at other regulatory agencies like CAAP, yun yung mga agencies. Even yung mga operational agencies like NAIA. Itong mga ito may mga intelligence funds lahat to dahil they deal with the inflow and outflow of people. So titignan namin lahat yun. Itong incidental learning process sa atin pero hindi unusual. Dahil sinabi kanina ni Marlon, nawala na si Quiboloy, nawala na si Bantag, nawala na si, nakatakas na si Teves. Paulit-ulit na lang nangyayari ito eh? It doesn't send a very confident signal to all of us that criminals, if you have money, can easily escape the authorities.

Q: Last na lang po from me, clarify ko lang. After the Tuesday hearing, so aatend tong si Guo at Ong, sa Senate na ba sila i-detain kung na-establish na natapos na yung ibang agencies sa mga mandatory procedures nila?

SEN. WIN: Yes. Procedure lang sinisundan para hindi nag-aagawan ng oras. So nag-coordinate na kahapon yung BI, DOJ, HOR, House of Representatives and Senate kung paano yung magiging timing ng custody. Kasi ayaw rin natin, pare-pareho tayong gobyerno eh. So isa lang naman objective natin to find the truth and to exact accountability. So ayusin natin yung proseso. At yun ang ginagawa naman ngayon.

Q: Sir, dun sa Tuesday, tatawagin definitely po si Immigration Commissioner Tansingco para magpaliwanag bakit nakalis and bakit may concealment ng information?

SEN. WIN: Yes, yan ang magiging focus. Even the President hindi niya alam. So bakit late na nalaman ng Senado, ng Pangulo at even the Secretary?

Q: Bakit importante Sir, na malaman natin? Bakit importanteng tanungin sila bakit may concealment ng information?

SEN. WIN: Well, ongoing investigation ng Senate. And we need to know kung ano nangyayari dito sa mga taong iniimbestigahan natin eh. Para malaman rin natin yung kanilang movement. Lalo na ang Senado, mayroong outstanding warrant. So kung mayroong isang institution na dapat malaman kaagad, Senado yun dahil may outstanding warrant eh. So dapat na-inform kaagad ang Senado na bakit itong tao nakawala na based on our information. Parang walang initiative eh, in my opinion. Hindi maganda yun.Dahil parang tinatago mo yun. Hindi maganda yung information sa ibang mga kabaro mo. Hindi magandang senyales yun.

Q: Sir, itinago yung the hope siguro na baka mahuli.

SEN. WIN: Baka mahuli. Mas maganda yun. Instead of announcing yung nakatakas, i-announce mo na huli. So maybe ganun. Because alam nila na tatamaan sila dyan.

Q: Then Sir, isa na lang po. Doon, Sheila Guo si Cassandra Ong. Ano yung significance nila? Sir, ano yung pwede nilang? Anong gusto nyong information from them?

SEN. WIN: Sa akin, number one, sino ba yung mga kausap nilang masterminds aside from them? Sino yung mga tumulong sa kanilang pondohan itong Pogo Hub sa Bamban at sa Porac? Ano yung operation nito? Gano'ng kalawak? Alam natin, transnational crime. May mga money launderers sa Singapore, sa ibang bansa. Sino-sino yung mga yun? Pangalawa, kung merong mga government officials na tumutulong sa kanila o nakasabwat dito, sabihin na rin nila. Mag-tell all sila, ng mga pangalan. At pangatlo, sabihin rin nila kung sino pa yung mga ibang... mga negosyante na kasama nila dito sa operasyon na ito. Dahil hindi lang naman mga foreign syndicates. According sa intelligence, may mga lokal na negosyante rin na kasama dito.

Q: Ah, sir. Okay. Tapos sir, if they refuse to talk, pwede silang patuloy na makulong sa Senate? Sir, kung sa Senate, parang komportable naman sila doon. Kung pwede ba na instead na sa Senate, sa ibang jail sila ipakulong?

SEN. WIN: Pwede. Pwede. Nagawa na natin yan in the past na kinukulong sa Pasay City Jail. Dahil ang Senate is under the jurisdiction of Pasay City. So, kung talagang... Kasi, like for example, si Cassandra, Siya ay nasa sentro nito. Imposibleng hindi niya alam sino yung nagbibigay sa kanya ng pera para patayuin... patayuin... Imposibleng hindi niya alam kung sino yung nagbibigay sa kanya ng pera para ipatayo yung Porac Pogo hub. At nakita rin namin, na lahat ng transaction doon dumadahan sa Whirl Wind Corporation na siya ang treasurer or corporate secretary. So, mataas yung katungkulan niya doon. So, nasa sentro siya nito at alam na rin natin, siya yung naglalakad ng lisensya ng Lucky South 99. So, imposibleng na sabihin niya, ako lang ito o hindi ko alam. Kasi, pag titignan mo yung kanyang tax returns, wala rin naman siyang pera. So, saan nang... Again, saan nangagaling yung pera? Yun lang naman ang sinusundan natin yung... Sabi nga nila, yung money trail.

Q: Sir, sa international community and international news, Alice Guo and et al. are being tagged as Chinese spies or agents. And we all know that the Chinese embassy is very uncooperative with our government as far as these people are concerned. My question is, what do you think is these people? Is there a possibility na these people are really agents or spies? And at what rate are we infiltrated if this is the case? Because most of our government agencies seem to be cooperating. Just your thoughts on this, po.

Q: Wala kasi kaming, ako personally, walang evidence saying that itong mga taong to, Chinese spies. May mga lumalabas sa internet pero di validated eh. During the initial part of the investigation, maraming lumalabas na yung tatay niya raw, malapit sa communist party of China. Pero walang validation pa. And it's very hard for me to say with certainty kung talagang Chinese spy siya. Pero sa mga ganitong punto, everything is possible eh. Everything is possible hanggat... Kasi mga criminal to eh. At gagawin nila para lang makalusot o maging malapit sa mga magbibigay sa kanila ng benepisyo. But to answer your question straight, wala akong personal evidence na magsasabi nun.

Powered by EIN Presswire

Distribution channels:

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.

Submit your press release